Hindi pinalampas ni Chloe San Jose, ang kasintahan ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, ang isang basher na diumano'y nag-akusa sa kanya na pera lang daw ang habol niya sa atleta. Sa isang viral na komento, matapang na sumagot si Chloe at ipinaliwanag ang kanyang panig sa gitna ng mga alegasyon. Marami ang nakapansin sa diumano’y palitan ng mensahe, at mabilis na kumalat ang usapin sa social media.