Matatandaan na noong kalagitnaan ng kasikatan ng content creator na si Deo Balbuena, mas kilala bilang Diwata, ilang beses siyang humingi ng "privacy" sa mga taong gustong makakita at makakuha ng larawan kasama siya. Noon, naging usap-usapan ang pagiging mailap ni Diwata sa kanyang mga tagahanga, na tila ba mas pinipili niyang mapanatili ang kanyang personal na espasyo.