Panibagong tagumpay ang natamo ni Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist, matapos siyang hirangin bilang bagong brand ambassador ng EastWest Bank. Inanunsyo ng bangko ang balitang ito noong Lunes, September 30, 2024, sa kanilang mga social media platforms. Sa mga post, ibinahagi nila ang mga larawan ng launching event at ang mainit na pagtanggap kay Yulo bilang bagong bahagi ng kanilang pamilya.