Isang netizen ang diumano'y trending ngayon sa social media matapos niyang ilabas ang kanyang hinanakit sa pamilya. Sa nasabing video, makikitang umiiyak ang breadwinner habang inilalahad ang kanyang sama ng loob dahil hindi diumano’t ‘thankful’ ang kanyang pamilya sa grocery items na kanyang ipinagkaloob na nagkakahalaga ng Php6K. Sa halip na makatanggap ng pasasalamat, reklamo diumano ang natanggap niya.