Magpapaalam diumano na ang long-running TV show na *"Sarap Di Ba?"* matapos ang mahigit isang dekadang pamamayagpag sa telebisyon. Kamakailan, ipinaalam sa mga miyembro ng production staff at crew ang nalalapit na pagtatapos ng programa, na naging malaking bahagi ng kanilang buhay at karera.