Nakapanayam ni Aster Amoyo ang beteranang aktres na si Miss Eva Darren sa kanyang YouTube channel na "TicTalk with Aster Amoyo." Sa nasabing panayam, inamin ni Miss Darren na siya ay napahiya at umiyak matapos ang insidente sa FAMAS Awards 2024. Dapat sana'y isa siya sa mga presentor ng gabi, ngunit hindi siya hinayaang umakyat ng entablado.