Matapang na sinuong ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang malalim na tubig-baha upang saklolohan ang isang pamilya sa Quezon City. Sa kasagsagan ng matinding pag-ulan dulot ng bagyong Carina na sinabayan pa ng habagat, hindi nagdalawang-isip si Gerald na tulungan ang na-stranded na pamilya sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.