Sa gitna ng usap-usapan hinggil sa kontrobersyal na pahayag ni Annabelle Rama, kumalat sa social media ang post ni Lahbati Abdel, ama ni Sarah Lahbati. Kamakailan, ibinahagi ni Abdel sa kanyang Instagram ang larawan ng kanyang pamilya kasama si Sarah at ang dalawang anak nito kay Richard, na may kasamang mensahe na nagpapahayag na hindi dapat pansinin ang mga nagpapakalat ng negatibong komento.