Kyline Alcantara at Kobe Paras Diumano Tinapos na ang Kanilang Relasyon




Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y hiwalayan ng celebrity couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. 


Napansin ng mga netizen ang pagbabago sa kanilang mga Instagram accounts, partikular na ang pagkawala ng mga larawang magkasama sila, kabilang na ang mga kuha noong Valentine's Day at sa Palawan. Ang mga natitirang larawan ay mula na lamang sa mga brand endorsements at events kung saan sabay silang dumalo bilang endorsers o guests.


Ayon sa ilang ulat, may source umano silang nagsiwalat na hiwalay na nga ang dalawa. Gayunpaman, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag sina Kyline at Kobe ukol dito kaya’t nananatiling haka-haka pa rin ang lahat.


Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon, unang inamin nina Kyline at Kobe ang kanilang relasyon sa publiko. Sa isang interview, tinanong si Kobe kung sino ang kanyang celebrity crush, at walang pag-aalinlangang binanggit niya si Kyline, na kalauna’y umamin rin na may espesyal na namamagitan sa kanila.


Habang wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa magkabilang panig, umaasa pa rin ang kanilang fans na baka hindi pa huli ang lahat at maaari pa silang magkaayos. Marami ang nagsasabing bagay na bagay sila sa isa’t isa at sayang ang pinagsamahan kung totoo man ang bali-balita.


Samantala, nakahanda silang ipalabas ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa, kung kailanman sila maging handang magsalita.


Photo: Facebook/User


No comments:

Post a Comment