Kiray Celis at ang Long Time Boyfriend Diumano Engage Na?

 



Nag-viral kamakailan ang mga larawan ni Kiray Celis kasama ang kanyang nobyo, si Stephan Estopia, habang nasa Disneyland Tokyo. 

Photo: Facebook/Kiray


Sa mga litratong ibinahagi ng aktres, makikitang nakaluhod si Stephan at iniaabot ang isang singsing kay Kiray. Dahil dito, maraming netizens ang nagtanong: engaged na nga ba sila?


Ngunit nilinaw ni Kiray sa kanyang caption na hindi pa ito engagement ring kundi isang "promise ring." Aniya, “The happiest girl in the happiest place on earth. Thank you for loving me, Stephan! Salamat sa singsing! Btw, promise ring lang po ito. Wag ma-carried away.”



Sa kabila nito, hindi maikakaila ang kilig ng mga tagahanga sa kanilang relasyon. Matatandaang noong Setyembre, niregaluhan din ni Stephan si Kiray ng mamahaling cellphone na iPhone 14 Pro Max sa kaarawan ng aktres.


Marami ang natuwa sa balitang ito at nagpaabot ng pagbati sa magkasintahan. Isa sa mga komento ng netizens: “Happy to see you happy! You deserve that. You guys deserve to be happy.”


Sa ngayon, patuloy na pinapaligaya ni Stephan si Kiray sa pamamagitan ng mga sweet gestures. Bagamat hindi pa sila engaged, tila papunta na rin sa mas seryosong yugto ang kanilang relasyon.

@kapamilyaforeverr

Kiray Celis at ang Long Time Boyfriend Diumano Engage Na?
Sa mga litratong ibinahagi ng aktres, makikitang nakaluhod si Stephan at iniaabot ang isang

♬ original sound - Kapamilya Forever

No comments:

Post a Comment