Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi nang ibahagi niya ang isang hindi inaasahang bahagi ng kanyang dating buhay pag-ibig—ang pagiging “sugar mommy.”
Photo: Facebook/Ivana
Sa isang bukas at tapat na panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Ivana na ilang beses na siyang nagiging tagasuporta sa kanyang mga nakarelasyon, lalo na noong mas bata pa siya. “Akala ko kasi normal 'yon kapag mahal mo,” pahayag ng aktres, sabay tawa ngunit halatang may halong panghihinayang.
Sa murang edad na 17, si Ivana na raw ang sumasagot sa gasolina, pagkain, at iba pang pangangailangan ng kanyang nobyo noon. “Sinasagot ko 'yung lahat, kahit allowance, kasi akala ko talaga, ganun 'pag mahal mo,” dagdag pa niya. Diumano, umabot pa raw sa puntong siya ang nagbabayad sa hotel, wine, at dinner para lang makasama ang kanyang nobyo—isang sitwasyon na ngayon ay tinitingnan niya bilang leksyon sa pagiging mas maingat pagdating sa puso.
“Na-realize ko, maganda naman ako. Hindi naman ako chaka. At saka bagets pa ako, bakit parang ako pa 'yung nagbibigay ng pera?” ani Ivana, habang ikinukuwento ang paggising niya sa realidad na hindi niya kailangang “mama” sa relasyon. Diumano, nagkaroon siya ng matinding self-reflection matapos ang ilang ulit na nauwi sa pagkadismaya ang kanyang mga naging relasyon. Kaya naman ngayon, mas pinipili niya ang mga non-showbiz na lalaki para sa mas pribado at mas tahimik na relasyon.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi niya type ang mga taga-showbiz ay ang diumano’y pagkakatulad ng pattern—na siya ang laging nauuwi sa pagiging tagapagbigay. “Lagi akong ginagawang sugar mommy. Kaya ayoko na ng showbiz. Hindi talaga kami nagwo-work,” ani Ivana. Dagdag pa niya, mas gusto niya ngayon ang lalaking may sariling kayod at hindi lang nakasandal sa kanya.
Sa ngayon, mas nakatutok si Ivana sa kanyang pamilya, YouTube career, at pagtulong sa kapwa. Ayon sa kanya, “Ang nasa utak ko, tumulong muna bago ako lumab-life.” Diumano, mas masarap daw sa pakiramdam ang makapagbahagi ng biyaya kaysa umasa sa isang relasyon na hindi patas. Isa itong makapangyarihang paalala na kahit sa mundo ng glitz and glamour, may mga aral pa ring hatid ang pag-ibig—at minsan, kasama roon ang matutong magpahalaga sa sarili.
No comments:
Post a Comment