Mukhang nagiging mas mainit ang usapin sa social media, lalo na pagdating sa fake news at misinformation na ipinapakalat laban sa mga kilalang personalidad.
Photo: YT/Kapamilya Channel
Mariing pinabulaanan ni Vice Ganda ang isang fake quote na ipinapakalat ng ilang netizens, partikular na ng mga DDS, kung saan pinalalabas na ipinagtatanggol niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pekeng quote, makikita ang diumano'y sinabi ng Unkabogable Superstar:
“Ayaw kong magpaka-hipokrito ha, aminin natin nung time ni FPRRD, karamihan ng adik nagbagong buhay, karamihan sa kriminal nag-uunahang sumuko, dahil sa takot kay Duterte. Confident kayong lumabas sa gabi dahil alam niyong yung mga kriminal at masasamang loob nabawasan na. Kung hindi si Duterte yung namuno ng pandemic, lahat tayo, patay. Lahat ng pondo ng gobyerno ginamit ni Duterte maitawid lang tayo sa pandemic.”
Kaagad itong itinanggi ni Vice Ganda at nagbigay ng babala sa kanyang mga followers na maging maingat sa paniniwala sa mga maling impormasyon.
"Mag-iingat kayo sa mga nababasa n’yo ha? Hindi lahat totoo, katulad ng mga kumakalat na statement ko sa Facebook. Hindi ko po statement ‘yon. Iwasan n’yo po ang pagre-repost,” ani Vice.
Dagdag pa niya, maraming tao ang hindi na nagfa-fact-check bago magbahagi ng impormasyon sa social media, na siyang dahilan kung bakit mabilis lumaganap ang maling balita.
"‘Yung iba, ayaw nang mag-fact-check. Basta na lang repost nang repost,” puna ng host.
Dahil sa insidenteng ito, muling pinaalalahanan ng ilang netizens ang publiko na maging mapanuri sa impormasyong kanilang natatanggap online. Sa panahon ng social media, mas madali nang magpakalat ng kasinungalingan, kaya mahalagang tiyakin kung totoo ang isang pahayag bago ito paniwalaan at ipakalat.
Ano ang masasabi mo tungkol dito? Dapat bang may pananagutan ang nagpapakalat ng fake news sa social media? 🤔
No comments:
Post a Comment