Mukhang mainit talaga ang diskusyon tungkol sa isyu ng EJK lalo na't ito ang kaso na kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Photo: IG/JM
Isang halimbawa ng pagiging sensitibo ng publiko sa usaping ito ay ang nangyari kay JM de Guzman matapos niyang magbahagi ng kanyang opinyon sa social media.
Sa isang post sa kanyang Instagram, nagbigay ng pahayag si JM de Guzman kaugnay ng pagkakaugnay ng droga sa mga krimen at ang paggamit nito bilang batayan sa pagpatay sa mga adik. “May mga rape, assault at iba pa pang crimes na ang dahilan ay labis na pag-inom ng alak. So… patayin na din natin sila?” aniya. Ang pahayag na ito ay nagdulot ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizen.
Marami ang hindi natuwa sa kanyang sinabi at agad siyang kinuyog sa comment section. May mga nagsabing hindi raw maayos ang pagkakadiskarte ng kanyang punto, kaya’t nagmistulang malabo ang mensahe niya. “Anong meron dito? Please enlighten me,” tanong ng isang nalilitong netizen.
Gayunpaman, may ilang sumang-ayon at sinabing sarcastic lamang ang tono ni JM de Guzman sa kanyang post. Ayon sa isang netizen, “I think he’s being sarcastic. Kasi sinasabi ng mga Digongers na drug addiction leads to violent crimes e alcohol addiction can lead to the same crimes too.”
May ilan ding nagsabing tama naman ang punto ng aktor ngunit hindi lang maayos ang kanyang delivery. “Di lang maganda pagkakasabi niya pero I think his point (sarcastically): May mga lasing at nakakainom ng alak na nagcocommit ng krimen gaya ng rape, assault, even murder. In the context of crimes under the influence of substances – does it also mean justified patayin yung mga nakakainom ng alak at nalalasing?” paliwanag ng isang netizen.
Para naman sa iba, malinaw ang mensahe ni JM de Guzman laban sa EJK. “I think ok naman ang delivery, mababa lang sarcasm comprehension ng mga Pinoy,” saad ng isang nagkomento. May isa ring nagdagdag na, “Supposedly a good point against Tokhang, not good delivery lang haha.”
Ang mga ganitong diskusyon ay patunay na napaka-kontrobersyal pa rin ng usapin tungkol sa EJK sa bansa. Matatandaang sa ilalim ng administrasyong Duterte, umabot sa libo-libo ang namatay dahil sa war on drugs, kung saan marami sa kanila ay napatay nang walang due process.
Sa kabilang banda, may ilan ding nagsabing dapat na lang mag-focus si JM sa kanyang trabaho sa halip na makisali sa ganitong klaseng diskusyon. “Mag-vlog na lang kayo ng jowa mo, hay naku,” banat ng isang netizen.
Sa huli, ipinakita ng pangyayaring ito na hindi pa tapos ang debate tungkol sa EJK at sa mga epekto nito sa bansa. Habang ang kaso ni Duterte ay tinatalakay sa ICC, nananatili ang tanong sa maraming Pilipino: May puwang ba ang katarungan sa sistemang ipinairal ng war on drugs?
Ano ang masasabi mo sa isyung ito? Sang-ayon ka ba sa punto ni JM de Guzman o tingin mo ay dapat siyang manahimik na lang?
No comments:
Post a Comment