Jake Ejercito, Matapang na Naglabas ng Pahayag Ukol sa Nangyari kay Duterte





 

Usap-usapan ngayon sa social media ang aktor na si Jake Ejercito matapos siyang maglabas ng isang matapang na pahayag kaugnay ng nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 


Sa inilabas niyang artcard, nakasaad ang mga huling salita ni Kian Delos Santos, ang binatilyong napatay sa isang anti-drug operation noong 2017.


Ayon kay Jake, ito na umano ang tamang panahon ng singilan, na tila nagpapahiwatig ng paghahanap ng hustisya sa mga nagdaang pangyayari. Dahil dito, umani ng iba’t ibang reaksiyon ang kanyang post mula sa mga netizens at supporters ng dating pangulo.


Gayunpaman, napansin ng marami na nakaturn-off na ngayon ang comment section ng kanyang post. Hindi malinaw kung ito ay kanyang desisyon upang maiwasan ang mga negatibong komento o dahil sa bugso ng mga reaksyon mula sa publiko.


Habang may mga sumang-ayon sa kanyang pahayag, may ilan ding bumatikos sa kanya, partikular na ang mga tagasuporta ni Duterte. "Lakas ng loob mo, Jake! Respeto naman sa nangyari," komento ng isang netizen bago pa ito hindi na payagang magkomento.


Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling tahimik si Jake Ejercito at hindi pa nagbibigay ng karagdagang pahayag ukol sa isyu. Patuloy namang pinag-uusapan sa social media ang kanyang matapang na paninindigan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts