DDS, NAGHURAMENTADO SA "DESERVE" COMMENT NINA KIM CHIU AT VHONG NAVARRO!

 



Naghuramentado ang mga tambay na DDS matapos marinig ang salitang "deserve" mula kina Kim Chiu at Vhong Navarro sa episode ng It's Showtime ngayong March 12. 

Photo: YT/Kapamilya Channel

Naglipana ang hate comments mula sa kanilang Wil Fone by Cherry Mobile at SKK Mobile habang nakasalampak sa bahay nilang walang palitada, galit na galit na ipinagtatanggol ang kanilang idolong matandang palamura.


Sa nasabing episode, buong puso at inspirasyonal ang mensahe ni Vhong:


"Sa kabila ng kaguluhan at ingay ng mundo, nawa’y matagpuan ninyo ang inyong dahilan para patuloy na huminga… at ang inyong oras ng pahinga. I say, DASURV!"


Sinundan ito ng suporta ni Kim:


"At para naman sa mga feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila… Ang masasabi namin—DASURV! Karapat-dapat kayong bumangon at lumaban sa buhay! Tulad ng ating mga Grand Resbakers na tunay na hinahangaan sa kanilang katatagan at tapang!"


Ngunit sa halip na ma-inspire, agad itong pinersonal ng mga kulto ni Duterte, pilit na iniuugnay ang salitang "deserve" sa kanilang matandang idolo na kasalukuyang pinasusuko ng ICC sa kasong crimes against humanity. Sa kanilang pag-aakalang may patama ito kay Duterte, nag-amok sila sa social media, nagbabantang ibo-boycott ang mga produktong ineendorso ni Kim—kahit ang totoo, wala naman silang pambili.


Aminado naman si Kim na binasa lang niya ang script na ibinigay ng Showtime staff. Pero kahit anong paliwanag, sarado ang isip ng mga kulto. Wala nang ibang ginawa kundi sumamba sa matandang kup*l na ngayo’y nasa Netherlands na para harapin ang imbestigasyon sa kanyang mga kasalanan sa bayan.


Habang abala ang buong mundo sa pag-usad ng hustisya, nananatiling abala ang mga DDS sa pangangalampag ng keyboard, bumubula ang bibig sa galit, at patuloy na ipinaglalaban ang idolong iniwan na sila sa ere. Dasurv!


No comments:

Post a Comment

Popular Posts