Ashley Ortega, Inamin kay Ivana Alawi na Tatlong Taon Nang Hindi Nakakapag-usap ang Kanilang Ina

 

Ibinunyag ni Ashley Ortega sa isang panayam kay Ivana Alawi na tatlong taon na silang hindi nag-uusap ng kanyang ina. 

Photo: FB/Ashley


Ayon sa aktres, simula nang iwan niya ang kanilang pamilya at mamuhay nang mag-isa, hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap o magkasundo.


Sa vlog ni Ivana, emosyonal na inilahad ni Ashley ang kanyang saloobin tungkol sa matagal nang hindi pagkakaintindihan nila ng kanyang ina. "Tatlong taon na kaming hindi nag-uusap. Mahirap, pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa," ani Ashley.


Bagamat hindi na niya idinetalye ang ugat ng kanilang alitan, inamin ng aktres na ito ay isang desisyong hindi niya inaasahan ngunit kinakailangang gawin. "Minsan, kailangang gumawa ng mahihirap na desisyon para sa sarili mong kapakanan," dagdag pa niya.


Samantala, makikita ang suporta ni Ivana kay Ashley habang pinapakinggan nito ang kanyang kwento. "Sana, in time, magkaayos kayo. Family is still family," pahayag ni Ivana na nagpapakita ng kanyang malasakit sa kapwa aktres.


Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta kay Ashley, lalo na ang mga nakaka-relate sa kanyang sitwasyon. Sa kabila ng lahat, nanatili siyang positibo at umaasang darating ang tamang oras para muling mabuo ang kanilang relasyon bilang mag-ina.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts