ANDREA BRILLANTES, PINURI ANG PAGIGING GENTLEMAN NI JAKE CUENCA SA ‘BATANG QUIAPO’ SET

 



Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na namamayagpag ang Batang Quiapo ay ang dedikasyon ng mga artista nito sa kanilang trabaho. 

Photo: YT/ABS-CBN


Isa na rito si Andrea Brillantes, na kamakailan ay nagbigay-pugay sa pagiging maalaga at propesyonal ng kanyang co-actor na si Jake Cuenca.


Sa isang panayam, tinanong si Andrea kung paano siya ginabayan ni Jake sa kanilang mga sensitibong eksena sa serye. "He was such a gentleman," diretsong sagot ng aktres, sabay dagdag na hindi lang si Jake kundi pati ang buong production team ang nagsigurong komportable siya sa kanyang role.


"Sobra akong nagpapasalamat kay Kuya Jake, [at] hindi lang kay Kuya Jake, sa lahat ng staff na nando’n, kila Direk. Talagang mine-make sure nila na nasa safe space ‘to, safe environment, for me, na I don’t feel exploited or I don’t feel offended in any way," ani Andrea.


Bukod sa pagiging maalaga ni Jake, aminado si Andrea na may kaunting awkwardness noong una dahil matagal na silang magkakilala at itinuturing niyang parang "kuya" ang aktor.


"Lagi lang [akong] sinasabihan ni Kuya Jake, 'Just let me know, okay, let me know kung ‘di ka comfy.' Medyo awkward ng konti lang kasi ‘kuya-kuya’ ko siya. And dati nung naka-work ko siya, I was like 14 ba ‘yun. [...] Pero tinawanan na lang namin," kwento niya.


Ngunit sa kabila ng awkwardness, hindi naging hadlang ito sa kanilang performance. Bilang mga propesyonal na artista, sinigurado nilang magawa nang maayos ang kanilang eksena.


"Pero kasi parehas kaming aktor eh, so tinanggal na namin lahat ng awkwardness, lahat ng ganyan, and nung nando’n kami sa scene, alam namin na it was just work," paliwanag ni Andrea.


Marami ang natuwa sa pahayag ng aktres, lalo na’t isa itong patunay kung paano dapat isinasagawa nang maayos at may respeto ang mga intimate at seryosong eksena sa telebisyon.


Dahil dito, lalong inaabangan ng mga manonood ang susunod na mga eksena ni Andrea at Jake sa Batang Quiapo, lalo na kung paano nila palalalimin ang kanilang karakter sa kwento.


Samantala, nagpasalamat din si Andrea sa mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanyang career.


"Sobrang grateful ako sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa aming lahat dito sa Batang Quiapo. Sobrang thankful ako na nabigyan ako ng ganitong opportunity at sana ay suportahan pa nila kami hanggang dulo," aniya.


Patuloy na mapapanood ang Batang Quiapo gabi-gabi sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel at online sa iba't ibang streaming platforms.

 

No comments:

Post a Comment

Popular Posts