Mukhang mainit agad ang mga kaganapan sa PBB Celebrity Collab Edition! Isa sa mga housemates na pinag-uusapan ngayon ay si AC Bonifacio, matapos makatanggap ng negatibong komento mula sa ilang netizens na hindi natuwa sa kanyang ginagawa sa loob ng BNK (Big Night Kuya).
Photo: Instagram/AC
Ayon sa mga nagmamasid, tila may ginagawang "paninira" umano si AC laban sa ibang housemates, dahilan upang bansagan siyang “manipulator” at “backstabber” ng ilang tagasubaybay. May mga nagsabi pang tila nagiging toxic ang kanyang paraan ng pakikisama, kaya naman maraming viewers ang humihiling na ma-nominate siya sa eviction ngayong linggo.
Sa kabila ng mga negatibong reaksyon, may ilan namang sumusuporta kay AC at sinabing baka out of context lang ang ilang eksenang napapanood. May mga nagsasabi rin na bahagi lang ito ng laro at dapat bigyan muna ng pagkakataon ang dalaga bago husgahan.
Dahil dito, marami ang mas naging tutok sa PBB Collab, lalo na kung paano haharapin ni AC ang mga isyung ibinabato sa kanya. Magkakaroon kaya siya ng chance na ipakita ang kanyang tunay na pagkatao at linisin ang kanyang pangalan?
Isang bagay lang ang sigurado—mas umiinit na ang tensyon sa loob ng bahay ni Kuya! Anong masasabi mo sa isyung ito? Team AC ka ba o isa ka sa mga gusto siyang ma-nominate?
No comments:
Post a Comment