Kamakailan, naging usap-usapan sa social media ang isang interview kung saan kasama si Fyang Smith, ang nagwagi sa PBB Gen 11, kasama ang mga batikang OPM artists na sina Ogie Alcasid at Martin Nievera.
Naturang panayam, napansin ng mga netizen ang tila kaswal na kilos at pananalita ni Fyang, na para bang kaibigan lamang ang turing sa mga beteranong mang-aawit. Ma ang nagsabi na hindi ito angkop, lalo na't nasa harap siya ng mga respetadong personalidad sa industriya.
Isang bahagi ng interview ang nagdulot ng higit pang reaksyon mula sa mga manonood. Tinanong ni Martin si Fyang kung kilala niya ang kanyang dating asawa na si Pops Fernandez, na kilala bilang "Concert Queen" ng Pilipinas. Diretsahang sinabi ni Fyang na hindi niya kilala si Pops, na ikinagulat ni Martin. Bagama't nanatiling magaan ang usapan, nagbiro pa si Martin at tinanong, "Where did you find this girl?" na nagdulot ng iba't ibang komento mula sa mga netizen.
Dahil dito, umani ng batikos si Fyang mula sa mga netizen. May mga nagsabi na dapat sana'y nagpakita siya ng mas malaking respeto at propesyonalismo, lalo na sa harap ng mga beterano sa industriya. Isang netizen ang nagkomento, "I feel embarrassed for her. Balik ka na lang sa TikTok gurl," habang ang iba naman ay nagsabing sana'y naging mas maingat siya sa kanyang mga kilos at salita.
Sa kabila ng mga negatibong reaksyon, may mga nagsasabing maaaring maging aral ito para kay Fyang. Natural lamang na magkamali, ngunit mahalaga ang matuto mula rito upang maging mas maingat sa mga susunod na pagkakataon. Ipinakita ni Martin Nievera ang pagiging propesyonal sa kabila ng sitwasyon, na maaaring magsilbing halimbawa para sa mga baguhang artista tulad ni Fyang.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers na nakapanood ng clip.
“I feel embarrassed for her. Balik ka nlng sa Tiktok gurl”
“The secondhand embarrassment grabe haha ”
“Ok cge if di nya kilala c Pops wala naman sila magagawa…Pero naman! The way nya mag react infront of those veterans sa industry. Sana nag smile na lang kung walang alam. Parang gusto pa nya i-project ang Rufa Mae Quinto na acting e. Eew.”
“parang gsto nya ilaban yung kanto-style pagpapatawa eh professional mga kaharap nya. makakarinig na naman tayo sa fans nya ng “she’s learning”, “bawal magkamali?” itrain muna sana sya bago iharap sa mga professional.”
“Also, the disrespect?? Talking to the ICONS/ her superior na parang tropa nya lang? ”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ibalik na yan sa tiktok”
“Hays. Kaedad nya ba kausap nya? Grabe naman. Nasa national TV p man di.n “
“really? di nya kilala si Pops? di ba siya nakapanood ng ASAP dati? ano ba pinanood lang niya on TV mga cartoons? jusmiyo! nganga fyang nyo! ”
“Omg ang kalat ni Fyang HAHHAA”
No comments:
Post a Comment