Korte, Tinanggihan ang 'Motion to Consolidate' ni Direk Darryl Yap laban sa mga Kaso ni Vic Sotto

 



Hindi pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang mosyon ni Direk Darryl Yap na pagsamahin ang mga kasong isinampa laban sa kanya ni Vic Sotto kaugnay ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma." 


Ayon kay Judge Liezel Aquiatan, ang mga kasong Writ of Habeas Data at cyber libel ay may magkaibang kalikasan, layunin, hurisdiksyon, at proseso, kaya't hindi maaaring pagsamahin ang mga ito. 


Ang Writ of Habeas Data ay may sariling mga alituntunin, samantalang ang reklamo ng cyber libel ay sumusunod sa mga probisyon ng Revised Rules of Criminal Procedure. 


Dahil dito, ipinag-utos ng korte na magpatuloy ang bawat kaso sa kani-kanilang itinakdang forum at proseso. 


Matatandaang nagsimula ang mga kasong ito matapos ilabas ni Direk Darryl Yap ang teaser ng kanyang pelikula, kung saan binanggit ang pangalan ni Vic Sotto at iniuugnay sa kontrobersyal na isyu noong dekada '80. 


Sa kabila ng desisyon ng korte, nagpahayag ang kampo ni Yap ng intensyon na ipagpatuloy ang kanilang legal na hakbang upang ipagtanggol ang kanilang posisyon. 


Photo: Facebook/Vic and Darryl

No comments:

Post a Comment

Popular Posts