Noong Setyembre 2024, pinabulaanan ni Arjo Atayde ang mga usap-usapang buntis ang kanyang asawang si Maine Mendoza.
Photo: Facebook/Arjo
Ipinaliwanag niya na ang pagkawala ni Maine sa "Eat Bulaga" ay dahil sa kanilang bakasyon para sa unang anibersaryo ng kanilang kasal.
Sa isang press conference, sinabi ni Arjo: "Hindi po, we went on a vacation for our first wedding anniversary." Dagdag pa niya, sinasamantala nila ang mga bihirang pagkakataon na magkasama sa kabila ng kanilang abalang iskedyul.
Ibinahagi rin ni Arjo na masaya sila sa kanilang pagsasama at patuloy na lumalago bilang mag-asawa. Aniya, "We’re very happy. Our journey has been nothing but great. We’re growing together and I’m very blessed that [my wife] is her."
Ang kanilang kasal ay naganap noong Hulyo 28, 2023, isang mahalagang petsa para sa kanila dahil ito rin ang araw ng kanilang unang pagkikita at engagement.
No comments:
Post a Comment