Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Maris Racal at Anthony Jennings, isang video ang nag-viral na nagpapakita ng pagtanggal ng ad poster ni Maris para sa San Mig Flavored Beer.
Photo: Maris/Facebook
Sa naturang video, makikita ang ilang kalalakihan na inaalis ang malaking poster ni Maris mula sa isang waiting shed. Bagama't hindi tinukoy ang eksaktong lokasyon, ang insidenteng ito ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.
Kamakailan lamang, inanunsyo ng cosmetic brand na Dazzle Me Philippines ang pagtatapos ng kanilang partnership kay Maris. Ayon sa kanila, bagama't mahirap ang desisyon, kinakailangan itong gawin upang manatiling tapat sa mga prinsipyong sinusunod ng kanilang brand.
Bukod dito, napansin din ng mga netizens na tinanggal ng isang coffee brand ang mga larawan nina Maris at Anthony mula sa kanilang social media pages. Ang mga pagbabagong ito ay naganap matapos ang mga rebelasyon ni Jamela Villanueva, dating kasintahan ni Anthony, tungkol sa umano'y pagtataksil ng dalawa.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, humingi ng paumanhin si Maris sa publiko at inamin ang kanyang pagkakamali. Sinabi niyang siya rin ay biktima sa sitwasyon at hindi niya alam na may relasyon pa sina Anthony at Jamela noong mga panahong iyon.
Sana malampasan ni maris ang mga nangyayari,,God bless you!
ReplyDeletenakakaawa nman xa maintidihan naman sana xa tao lang xa at hinfi bato...subra na sinaktan ng mga mapang husga nag sory nman na..hindi nya ako tagahanga pero babae ako at ramdam ko ang kanyangang ang poso nya lpz po madla....
ReplyDeletepacnxa napo tao lang.....
ReplyDelete