Nilinaw ni Anthony Jennings na magkaibigan lamang sila ni Maris Racal at walang kinalaman ang aktres sa hiwalayan nila ng kanyang dating kasintahan na si Jam Villanueva.
Photo: Maris and Anthony/Facebook
Sa isang panayam, kinumpirma ni Anthony ang kanilang paghihiwalay ilang buwan na ang nakalipas dahil sa personal na dahilan. Hiniling din niya na igalang ang pribadong buhay ni Jam at huwag na itong guluhin. Aminado si Anthony na may mga pagkukulang siya na dapat ayusin. Binigyang-diin niya na si Maris ay kaibigan lamang at walang kaugnayan sa kanilang hiwalayan.
Matatandaang noong Hulyo, inamin ni Maris Racal ang hiwalayan nila ni Rico Blanco at nilinaw na walang kinalaman si Anthony sa kanilang breakup. Sinabi ni Maris, "Anthony is out of the picture. It's just me and Rico. Mainly me, I'm the issue."
Sa kabila ng mga espekulasyon, parehong nilinaw nina Anthony at Maris na wala silang romantikong relasyon at magkaibigan lamang sila. Patuloy silang nagtutulungan bilang magka-loveteam sa kanilang mga proyekto.
No comments:
Post a Comment