And The Breadwinner Is..." ni Vice Ganda, wagi sa MMFF 2024; mga sinehan, sold-out sa unang araw!
Photo: Facebook/Vice
Sa unang araw ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 noong Disyembre 25, agad na pinilahan ang pelikulang "And The Breadwinner Is..." na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Maraming sinehan, kabilang ang SM Aura Premier, SM Mall of Asia, at SM Sorsogon, ang nagdeklara ng sold-out screenings, patunay sa walang kupas na kasikatan ni Vice.
Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Vice Ganda ang labis na pasasalamat sa mga tagahanga: "SOLD OUT na sa ibang cinemas! Maraming maraming zenkyooow sa lahat ng sumusuporta sa #AndTheBreadwinnerIs! Magiging MEMErriest ang Pasko niyo dito."
Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, nangunguna ang pelikula sa box office, na may malaking agwat sa pumapangalawa. Ibinahagi niya sa social media: "According to my source, nangunguna ang movie ni Vice Ganda sa box office. Wala pa daw sa kalahati ng gross nito ang #2 nung opening day nito nung Pasko."
Ang MMFF 2024 ay nagdiriwang ng ika-50 anibersaryo na may temang "Sinesigla sa Singkwenta," na nagtatampok ng iba't ibang genre ng pelikula upang masiyahan ang lahat ng manonood. Ang festival ay tatakbo mula Disyembre 25, 2024 hanggang Enero 7, 2025.
No comments:
Post a Comment