Sue Ramirez may Banat sa mga Hindi Loyal at Cheaters

 



SUE RAMIREZ TO CHEATERS: ‘KUNG NAMBABAE KA, DOON KA NA. MAKE UP YOUR MIND.


Sa kanyang nakakaaliw at candid na episode ng *Cosmo Confessions*, ibinahagi ni Sue Ramirez ang kanyang mga opinyon tungkol sa pag-ibig, relasyon, at karera. Kilala ang aktres sa kanyang bright personality at witty sense of humor, kaya’t siguradong punong-puno ng *good vibes* ang kanyang panayam.


Naging bukas si Sue tungkol sa kanyang love life, kabilang na ang kanyang first celebrity crush na si Zanjoe Marudo. “Hanggang ngayon, hindi nagbabago. Nakatrabaho ko pa siya, swerte ko, diba?” aniya. Binanggit din niya ang kanyang pinakamalaking heartbreak: isang five-year relationship na nauwi sa hiwalayan. “First time namin mag-break, hindi niya ako hinabol,” pagbabahagi niya.


Ngunit ang pinaka-mahigpit na deal-breaker para kay Sue? Ang panloloko. “Cheating, ‘yun na ‘yon. Andami ko nang pinagdaanan sa love… ‘yun talaga yung pinaka hindi ko kayang tanggapin. ‘Pag nambabae ka, doon ka na. Make up your mind,” matapang niyang pahayag.


Hindi rin nakaligtas sa kwento ang isang *wild* na karanasan niya noong bata pa siya: makagat ng ahas! Dagdag pa rito, nagbigay din siya ng karaoke performance sample na talaga namang nagpasaya sa mga fans. Para sa full episode, panoorin ang nakakatuwa at kwelang side ni Sue habang nagbabahagi ng kanyang kwento na puno ng katotohanan at kasiyahan.


Photo: Ramirez/FB


No comments:

Post a Comment

Popular Posts