Ken Chan Diumano ay Most Wanted at Nahaharap sa P14M Allegations

 



Ken Chan, Nahaharap sa P14M Allegations; Umanong Nagpapakita na sa Publiko


Usap-usapan ngayon ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktor na si Ken Chan matapos mapabalitang may mga reklamo laban sa kanya kaugnay ng umano'y paghingi ng P14 milyon mula sa isang kliyente. Ayon sa ilang netizens, sinasabing nangailangan umano ng malaking halaga ang aktor, dahilan upang humingi ito ng suporta mula sa mga investor. Ngunit matapos umanong hindi matupad ang pangako na pagbabalik ng puhunan kasama ang 10% na komisyon, napilitan ang mga ito na magsampa ng reklamo laban sa kanya.


Ibinahagi rin ng ilang tagasuporta at netizens na naglabas na umano ng arrest warrant laban kay Ken noong Oktubre o Setyembre pa, at patuloy siyang hinahanap ng mga awtoridad. Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng pangamba na baka maging “most wanted” pa ang aktor kung hindi niya agad aayusin ang sitwasyon. Ang sitwasyong ito ay nagtulak sa iba pang mga espekulasyon, kabilang na ang posibilidad na ito rin ang dahilan ng biglaan niyang pagkawala sa teleseryeng *Abot Kamay Na Pangarap*.


Samantala, hinihintay pa rin ng publiko ang opisyal na pahayag mula kay Ken Chan ukol sa isyung ito. Bagama't nanatiling tahimik ang kampo ng aktor, umaasa ang kanyang mga tagasuporta na sana ay maayos ang mga usapin upang makabalik siya sa kanyang mga proyekto sa showbiz.


Photo: Ken/FB


No comments:

Post a Comment