Chloe San Jose, May Matapang na Pahayag kay AiAi Delas Alas sa Gitna ng Hiwalayan Isyu
Photo: Chloe and AiAi/FB
Matapang na naglabas ng saloobin si Chloe San Jose matapos kumalat ang balitang hiniwalayan si AiAi Delas Alas ng kanyang asawang si Gerald Sibayan. Kung matatandaan, isa si AiAi sa mga bumatikos kay Chloe noong nagkaroon ito ng alitan sa pamilya Yulo, at tila binalikan ni Chloe ang mga pangyayaring iyon sa kanyang pahayag ngayon.
Ayon kay Chloe, “Back to you mamang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x - it’s just the universe’s law.” Agad itong naging usap-usapan sa social media, at marami ang nagsasabing tila sinasabi ni Chloe na karma ang nangyari kay AiAi sa gitna ng kanyang personal na problema.
Nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang pahayag ni Chloe. May ilan na sumang-ayon sa kanya, habang may iba namang nagsabing dapat maging mas maunawain si Chloe sa sitwasyon ni AiAi. Sa kabila ng mainit na diskusyon, nananatiling tahimik si AiAi tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya at patuloy na umiwas sa mga kontrobersya.
No comments:
Post a Comment