CHLOE CLAPS BACK AT AI AI: "BACK TO YOU MAMANG"
Hindi napigilan ni Chloe San Jose na magbigay ng maanghang na reaksyon matapos kumalat ang balita tungkol sa hiwalayan nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan. Matatandaang naging mainit ang hidwaan nina Chloe at Ai-Ai noong nakaraang taon sa gitna ng isyu sa pagitan nina Angelica Yulo at Carlos Yulo, kung saan umalma si Ai-Ai laban kay Chloe.
Sa isang panayam noon, sinabi ni Ai-Ai, “Kung wala ‘yung nanay niya, wala kang darling ngayon. At tsaka hindi ka pa asawa gurl, girlfriend ka palang. Kapag asawa ka na, puwede; pero kapag girlfriend huwag mo muna awayin kasi alam no naman ang mga mommy ‘di ba, isa ‘yan sa mga way na maging harmonious ang inyong relationship.”
Ngunit ngayon, tila si Chloe naman ang nakahanap ng pagkakataong bumawi. Sa isang post na pribado para lamang sa kanyang mga kaibigan, nagbitiw si Chloe ng kontrobersyal na pahayag: *“Back to you mamang. Not to make fun of your situation, but what you do to others will come right back at you 10x—it’s just the universe's law.”*
Bagamat hindi makikita ng publiko ang nasabing post, mabilis pa rin itong naging usap-usapan online, lalo na’t kilala si Chloe sa kanyang mga matapang na opinyon. Maraming netizens ang nakikisimpatya kay Ai-Ai, ngunit hindi rin napigilan ng iba na pumabor sa sinabi ni Chloe. Ang katanungan ngayon: magpapakawala ba ng sagot si Ai-Ai, o pipiliin na lang niyang manahimik?
Photo: Chloe and Ai-Ai/FB
No comments:
Post a Comment