Bea Alonzo, Nilinaw ang Viral Photo Kasama ang Isang Lalaki: "We Are Just Friends"
Photo: Bea/FB
Nagbigay na ng pahayag si Bea Alonzo kaugnay ng kumakalat na larawan niya kasama ang isang lalaki, na naging usap-usapan sa social media at nagdulot ng sari-saring haka-haka mula sa mga fans at netizens. Sa kanyang Instagram story, nilinaw ni Bea ang isyu at humiling ng kaunting katahimikan sa mga netizens. "Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? We are just friends. And the stories are getting ridiculous! Kalma lang po tayo," saad ni Bea, na tila nagtataka sa dami ng haka-hakang nabuo mula sa isang simpleng litrato.
Dahil sa kanyang pahayag, marami sa kanyang mga tagasuporta ang nagpaabot ng pag-unawa at sinabing iginagalang nila ang kanyang privacy at mga personal na desisyon. Subalit hindi rin maiwasan ng iba na magtanong at magbigay ng opinyon ukol sa status ng love life ng aktres, lalo na’t ilang ulit nang naintriga si Bea sa kanyang mga nakakasamang lalaki matapos ang mga nakaraang relasyon.
Samantala, tila hindi na pinapansin ni Bea ang mga espekulasyon at patuloy lang siyang nakatuon sa kanyang mga proyekto at personal na pag-unlad. Ayon sa kanyang mga tagasuporta, mas mahalaga ang kanyang kasiyahan at kapayapaan kaysa sa mga chismis.
No comments:
Post a Comment