Bagong official tour merchandise ng BINI na tote bag, Binatikos!

 



Umani ng samu't saring reaksiyon ang bagong official tour merchandise ng BINI na tote bag, matapos itong ihayag online. 

Photo: Screengrab from user/FB

Ang bag, na bahagi ng Grand Biniverse tour merch ng girl group, ay hindi pinalampas ng mga mapanuring netizens na agad-agad na nagbigay ng kanilang komento tungkol sa design at kalidad ng produkto.



"Parang trapal," saad ng ilang netizens, at may mga nagsabi pang, *"Kahit ibigay pa 'yan ng libre, hindi ko gagamitin 'yan."* Dagdag pa nila, mataas ang expectations nila sa nation’s girl group, kaya't inaasahan nilang mas presentable at fashionable ang merchandise na kanilang ilalabas.



May mga fans naman na nagtanggol sa tote bag, sinasabing simple ngunit stylish ito at may tatak ng pagiging *unique* na nararapat sa identity ng grupo. Para sa kanila, sapat na ang bag bilang memorabilia ng tour, at itinuturing nila ito bilang paraan ng suporta para sa grupo sa kabila ng iba't ibang opinyon.



Sa kabila ng mixed reactions, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng BINI sa kanilang mga fans at tagasuporta, na nagpapakita ng kanilang loyalty at pagmamahal sa grupo.



No comments:

Post a Comment