Awra Briguela, Hindi Nakapigil! Sagot sa Malisyosong Kumento, Viral!
Isang nakakatawang IG video ang nagdala ng hindi inaasahang drama sa social media matapos itong mag-viral dahil sa mapanirang kumento ng isang netizen. Sa video, makikita si Awra Briguela na masaya at komportable kasama ang ilang miyembro ng kaniyang pamilya. Ngunit isang malisyosong komento mula sa netizen ang tila nakapagpainit ng ulo ng aktor.
"Netizen: 'Asukal de papa?'" — ito ang tila mapanirang tanong ng netizen na nag-udyok kay Awra na magbigay ng maanghang ngunit makatotohanang sagot. Hindi siya nagpaawat at agad na sumagot ng, "Are you for real right now? That’s my uncle right there! That's my uncle's husband!” Simple, deretso, pero punong-puno ng tapang ang naging pahayag ng aktor.
Hindi ito ang unang beses na ipinakita ni Awra ang kaniyang pagiging matatag sa harap ng mga mapanirang komento online. Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta sa kaniya, sinasabing tama lang na ipagtanggol niya ang kanyang pamilya. “Go, Awra! Tama ka! Walang puwang ang mga bashers na 'yan,” ani ng isang follower sa comment section.
Sa kabila ng kontrobersiya, nananatili si Awra na kalmado at naka-focus sa kaniyang mga proyekto. Patunay ito na hindi basta-basta matitinag ang aktor, lalo na kapag usapin na ng pamilya. "Walang sinuman ang may karapatang bastusin ang mga mahal ko sa buhay," ani pa niya sa isang tweet matapos ang insidente.
Image: Awra/FB
No comments:
Post a Comment