Xian Gaza, May Matapang na Komento sa Usap-usapang Hiwalayan nina Ai-ai delas Alas at Gerard Sibayan
Photo: AiAi/FB
Nagbigay ng diretsahang pahayag ang tinaguriang "Pambansang Marites" na si Xian Gaza kaugnay ng usap-usapang hiwalayan sa pagitan nina Ai-ai delas Alas at Gerard Sibayan. Sa kanyang viral post, hindi nag-atubiling maglabas ng opinyon si Xian at sinabing mayroon umanong ibang babaeng nabuntis si Gerard. Ayon sa kanya, "Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year."
Hindi natapos doon ang pasabog ni Xian, idinagdag niya na ginagamit lang daw si Ai-ai para sa green card at umasenso sa buhay. Ipinunto rin niya na nagbago ang damdamin ni Gerard nang tumanda si Ai-ai at napili nitong ipagpalit ang komedyante sa mas batang babae. Ani pa ni Xian, ang mahalaga raw ay naging masaya si Ai-ai sa kanilang pagsasama sa loob ng sampung taon, at hinimok siya nitong mag-move on na lamang.
Sa huli, nagbigay pa ng payo si Xian kay Ai-ai na huwag nang magpa-uto sa mga mas bata, at sa halip ay i-enjoy na lang ang kanyang pagiging single. "Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay," ani ni Xian, na siyang ikinagulantang ng mga netizens. Sa kabila ng kontrobersiyal na komento ni Xian, wala pang opisyal na pahayag mula kay Ai-ai at Gerard ukol sa usap-usapang ito.
No comments:
Post a Comment