Opisyal nang inanunsyo ng sikat na TV personality na si Willie Revillame ang kanyang pagtakbo para sa Senado sa darating na 2025 elections. Isa siya sa mga huling nag-file ng kanyang kandidatura at tatakbo bilang isang independent candidate. Sa kabila ng kanyang mga naunang pahayag na hindi siya papasok sa politika, ngayon ay decidido na siyang sumali sa Senate race.
Photo: Willie/FB
Nang tanungin kung ano ang naging dahilan ng kanyang desisyon, sinabi ni Willie, “Because of the fighting I see. Fighting after fighting. Fights between educated people. They think of artists too lowly. We are the ones who have good hearts for our countrymen.” Dagdag pa niya, “If I fight in the Senate, I will fight for the poor,” na nagpapakita ng kanyang hangarin na ipaglaban ang karapatan ng mga mahihirap.
Kasama sa plano ni Revillame, sakaling siya'y manalo, ang itaas ang kasalukuyang 20 porsiyentong diskwento para sa mga senior citizen at mga taong may kapansanan (PWDs). Kasama rin niya sa kanyang kampanya si Sam Versoza, isang negosyante na tumatakbo bilang alkalde ng Maynila.
No comments:
Post a Comment