Usap-usapan ngayon ang balitang posibleng matanggal na ang "It's Showtime" sa GMA Network ngayong darating na Disyembre, para bigyang daan umano ang bagong programa ng TAPE Inc.
Photo: Vice Ganda/FB
Hindi pa kumpirmado ang balitang ito, ngunit tila tuwang-tuwa ang ilang Kapuso fans, na iniisip na maaaring bumagsak ang "It's Showtime" kapag nawala ito sa GMA. Ayon sa kanila, mawawalan ng platform ang mga starlet ng GMA para mag-promote sa isang noontime show na patok sa masa.
Gayunpaman, tila nakalimutan ng mga bumabatikos na 15 taon nang matibay ang "It's Showtime", at ilang beses nang nakaranas ng mga pagsubok gaya ng suspension, pandemya, at shutdown ng ABS-CBN. Sa kabila ng lahat ng ito, nananatili silang nakatayo at patuloy na sinusuportahan ng maraming Kapamilya at solidong Showtimers. Hindi na rin bago para sa kanila ang makipagsabayan sa ratings at manalo laban sa mga karibal gaya ng "Eat Bulaga."
Anuman ang mangyari, tiwala ang mga fans na susundan pa rin sila ng mga Kapamilya, saan man sila mapunta. Ayon pa kay Vice Ganda, may demolition job laban sa kanilang programa, ngunit hindi niya pinangalanan kung sino ang nasa likod nito. Hindi na rin nakapagtataka ang ganitong pangyayari, lalo na kung ang isang programa ay nasa taas, mahirap talunin, at itinuturing na banta ng mga karibal.
Patuloy ang suporta ng solid Showtimers at Kapamilya sa "It's Showtime," at sa kabila ng mga intriga, naniniwala ang marami na patuloy pa rin itong tatayo.
No comments:
Post a Comment