Melai Cantiveros, Diretsahang Sagot sa Pamilya: ‘Bakit Ako Magbabayad ng Tuition Fee ng Anak Mo?

 




Sa isang candid na interview kasama si Enchong Dee, prangkahang inamin ng komedyanteng si Melai Cantiveros na hindi siya nagbibigay ng tulong sa mga kamag-anak na humihingi ng pang-tuition fee para sa kanilang mga anak. Ayon kay Melai, malinaw ang kanyang paniniwala na hindi niya responsibilidad ang pag-aralin ang mga anak ng kanyang mga kamag-anak.

Photo: Melai/FB


“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, (sasabihin ko) ‘Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan,” diretsahang sagot ni Melai, na tila ba nagbigay ng leksyon sa pagiging responsable at hindi pag-asa sa iba.


Ibinahagi rin niya na mula pa noong bata siya ay naturuan na siyang maging breadwinner at magtrabaho para sa sariling kapakanan. “Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. Dapat kayo maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family,” dagdag pa ni Melai, na nagpapahiwatig na bawat isa ay dapat magtrabaho at magsikap para sa sariling pamilya.


Ngunit kahit ganoon ang kanyang pananaw pagdating sa tuition fee, nilinaw din ni Melai na hindi naman siya ganap na madamot. Ayon sa kanya, nakakalibre pa rin ang kanyang mga kamag-anak kapag may mga pagkakataong sila’y naggagala o pumapasyal sa iba’t ibang lugar kasama siya.


Sa kabila ng kanyang prangkang pananaw, marami ang humahanga kay Melai sa pagiging totoo at sa kanyang prinsipyo na nagtuturo ng pagiging responsable at hindi basta umaasa sa ibang tao. Ikaw, sang-ayon ka ba sa pananaw ni Melai?


1 comment:

  1. Depends on the situation. If we can help, we must, specially in getting education....God showered us blessings we must share a bit..but not all the time...

    ReplyDelete

Popular Posts