Magandang Buhay Diumano Nanganganib Isara After Mawala sa TV5

 




Kapansin-pansin sa mga manonood ng **Magandang Buhay** na halos puro replay episodes na lamang ang napapanood mula nang mawala ito sa TV5. 

Photo: Magandang Buhay/FB

Bagama’t maraming umaasa na muling mapanood ang mga bagong episodes ng Kapamilya morning talk show, tila nanatiling tahimik ang usapin tungkol sa patuloy nitong pagpapalabas ng fresh content.


Minsan nang sinagot ni **Jolina Magdangal**, isa sa mga host ng programa, kung magkakaroon pa ba ng bagong episodes ang **Magandang Buhay**. Ayon sa kanya, balak pa rin nilang mag-tape ng bagong episodes, bagay na nagbigay ng pag-asa sa mga tagahanga. Pebrero ngayong taon nang nagkaroon ng bagong episode ang programa sa paglipat nito sa **ALLTV**, ngunit matapos ang nasabing episode, tuluyan nang pinalitan ng mga replay episodes ang programa.


Isa pang bagay na napansin ng mga tagasubaybay ay ang hindi pagdiriwang ng **anniversary** ng show ngayong taon, isang taunang tradisyon na inaabangan ng mga manonood. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung tuluyan na nga bang tinapos ang talk show o kung magbabalik pa ito.


Sa kabila ng mga tanong, wala pang malinaw na sagot mula sa **Kapamilya Network** o sa mga host ng programa. Patuloy na umaasa ang mga loyal fans ng **Magandang Buhay** na hindi pa ito tuluyang magtatapos at makakapanood pa sila ng mga bagong episodes sa hinaharap.


No comments:

Post a Comment