Sa huling post ng kilalang online seller na si Lerms Lulu, tinalakay niya ang kahalagahan ng pagbabayad ng utang at ang epekto nito sa tagumpay ng isang tao, lalo na sa aspeto ng pagnenegosyo.
Sa kanyang post, ibinahagi niya na ang hindi pagbabayad ng utang ay nagsasalarawan ng personalidad ng isang tao at maaaring makaapekto sa anumang aspeto ng pinansyal na buhay. Ayon kay Lerms, ang pagbabayad ng utang ay may direktang epekto sa tagumpay at karakter ng isang negosyante.
Ibinahagi rin ni Lerms ang iba’t ibang pananaw tungkol sa konsepto ng pagbabayad ng utang, na tinatawag ng iba bilang karma, biyaya ng Diyos, paghuhusga, o ang kapangyarihan ng sansinukob na magpatakbo ng mga bagay-bagay. Dagdag pa niya, anuman ang pagkakaiba-iba ng pananampalataya o pananaw ng tao, iisa ang konsepto—na ang bawat aksyon ay may kaukulang konsekwensya. Sa pagtatapos ng kanyang post, hinikayat niya ang mga may utang na unti-unting bayaran ito, dahil maaaring ito ang dahilan kung bakit hindi nila naaabot ang tunay na tagumpay na inaasam.
Matapos ang kanyang post, marami sa mga netizens ang nag-ugnay nito sa karumaldumal na pagpaslang kay Lerms at sa kanyang asawa. Ayon sa ilang netizens, posibleng may kaugnayan ang utang sa kanilang malagim na sinapit, na naging sanhi ng espekulasyon na maaaring may kinalaman ang kanilang mga pinansyal na isyu sa trahedyang ito. Bagaman wala pang ulat kung nadamay ang kanilang anak na napabalitang kasama nila, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang puno't dulo ng krimen.
No comments:
Post a Comment