Lars Pacheco, Naglahad ng Pagkakalulong sa Online Gambling: P5M Nawalang Parang Bula

 

Sa isang emosyonal na post sa kanyang social media account, ibinahagi ni Lars Pacheco ang personal na kwento ng kanyang pagkakalulong sa online gambling, na nagdulot ng pagkawala ng P5 milyon na pera. Ayon kay Lars, nagsimula siya sa maliit na halaga ngunit kalaunan ay umabot ito ng milyun-milyong piso dahil sa patuloy na pagnanais na manalo at makabawi sa mga talo.

Photo: Lars/FB

Inamin din ni Lars na ang kanyang pagkahumaling sa online gambling ay nakasira ng kanyang focus sa paghahanda para sa isang pageant sa Thailand, dahilan ng kanyang pagkatalo. Dagdag pa niya, "I’ve met evil in the form of gambling," kung saan umabot siya sa puntong natutunan niyang magsinungaling at nawalan ng kontrol sa sarili. Isang gabi, sa gitna ng kadiliman ng kanyang kwarto, napagtanto niyang lumala na ang kanyang sitwasyon matapos niyang ipusta ang P100,000, na naging sanhi ng kanyang emosyonal na pagbagsak.


Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Lars ang iba na tumigil na sa online gambling. Aniya, "Quit this evil now," at pinaalala niya sa mga nahihirapan na may pagkakataon pang magbago at bumangon, basta’t handang itigil ang masamang bisyo.

No comments:

Post a Comment