Mainit na usap-usapan ngayon si Kim Chiu matapos niyang humarap sa reklamo sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa mga komento niya sa isang segment ng "It’s Showtime." Ang kontrobersya ay nagsimula nang ginamit ni Kim ang salitang "vibrator" upang ilarawan ang boses ng isang kalahok sa ‘Tawag ng Tanghalan.’
Photo: Anne/FB
“Ang ganda ng vibrator ng boses mo,” sabi ni Kim, na agad namang umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ang kanyang mga salita ay nagdulot ng kalituhan sa ilan, habang ang iba naman ay tila natawa sa kanyang choice of words.
Agad namang rumesbak ang mga fans ni Kim at ipinaliwanag na ang tinutukoy ng TV host ay ang kalidad ng boses ng contestant. Ayon sa kanilang depensa, hindi raw dapat bigyan ng malisya ang nasabing pahayag ni Kim, dahil isa lamang itong term na maling naintindihan ng iba.
Hindi rin nagpahuli ang mga kasama ni Kim sa "It’s Showtime," tulad nina Vhong Navarro, Anne Curtis, at buong Showtime family, sa pagpapakita ng kanilang suporta. Ayon sa kanila, si Kim ay kilala sa kanyang pagiging natural at walang malisya, at malinaw naman na walang masamang intensyon sa kanyang sinabi.
Habang patuloy na hinihintay ang aksyon ng MTRCB tungkol sa isyung ito, nananatiling buo ang suporta ng mga kaibigan at fans ni Kim Chiu. Ikaw, ano sa tingin mo—malasakit o misunderstanding lang?
Nagkamali lang sa halip na vibration Yun ang nasabi ni Kim
ReplyDelete