**KATHRYN BERNARDO, NAGDALAWANG ISIP NA GAWIN ANG SEQUEL NG *HELLO, LOVE, GOODBYE*! ALAMIN ANG DAHILAN!**
Photo: Kathryn/YT
Inamin ni Kathryn Bernardo na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang sequel ng kanyang blockbuster movie na *Hello, Love, Goodbye*. Sa isang panayam kasama si Boy Abunda, ibinahagi ni Kathryn ang bigat ng kanyang desisyon at ang pressure na dala ng pagbabalik sa iconic na roles nina Joy at Ethan. “Mahirap gumawa ng sequel,” ani Kathryn, at sa una’y gusto niyang iwanan na lang ang kwento ng kanilang pag-ibig kung saan ito nagtapos. Para sa kanya, isang malaking hakbang ang pagbalik sa kwento na minahal ng marami.
Ngunit nang mabigyan siya ng ideya sa posibleng direksyon ng *Hello, Love, Again*, nagsimulang magbago ang kanyang pananaw. "Maraming mga tanong na gusto kong bigyan ng sagot,” pag-amin niya. Nakita ni Kathryn ang pagkakataong masagot ang mga tanong ng mga fans sa kwento nina Joy at Ethan, na tiyak na ikasasaya ng mga sumusubaybay.
Bilang isang dedikadong artista, ramdam ni Kathryn ang pressure ng paggawa ng sequel na dapat hindi lang pantayan, kundi higitan pa ang tagumpay ng original. Sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, ang kanyang pagnanais na mabigyan ng bagong kulay ang love story ay naging inspirasyon niya para ipagpatuloy ang proyekto.
Maraming fans ang nag-aabang kung paano dadalhin ni Kathryn ang kwento sa bagong direksyon. Tiwala silang sa bawat hakbang ni Kathryn, titiyakin niyang ang bawat eksena ay puno ng damdamin at kalidad na nagpakilig sa kanila noon.
No comments:
Post a Comment