Umani ng batikos mula sa mga mananampalatayang Katoliko ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose matapos siyang magtanghal sa harap ng altar ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro noong Oktubre 6, 2024. Ang nasabing pagtatanghal ay bahagi ng isang benefit concert para sa simbahan.
Photo: Julie Ann/FB
Sa isang viral post na ibinahagi ng netizen na ‘Matabang Tindero’ sa Facebook, makikita si Julie Anne San Jose na nakasuot ng isang kumikinang na sleeveless at backless gown habang masiglang kumakanta at sumasayaw ng sikat na kantang "Dancing Queen" ng ABBA. Marami ang napataas ng kilay at nagtanong kung naaangkop ba ang kanyang kasuotan at ang pagpili ng kanta para sa isang sagradong lugar tulad ng altar ng simbahan.
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at kinuwestiyon kung bakit pinahintulutan ng parokya ang ganitong uri ng pagtatanghal. Ayon sa Code of Canon Law, ang mga simbahan ay nararapat gamitin lamang para sa mga sagradong okasyon at seremonyas, tulad ng mga misa at kasalan. Gayunpaman, sa ilang pagkakataon, pinapayagan ng ilang parokya ang mga pagtatanghal sa loob ng kanilang mga bakuran basta’t hindi nito natitinag ang kabanalan ng lugar.
Bukod kay Julie Anne, nag-perform din sa nasabing event ang Sparkle Artist na si Jessica Villarubin. Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa parokya o kay Julie Anne San Jose kaugnay ng mga batikos na kanilang natanggap mula sa publiko.
This does not belong at Mass…ever🇻🇦 pic.twitter.com/PMc3s43Q5Y
— 🔥☩JMT☩🔥 (@SecretFire79) October 9, 2024
Ok lang ang kanyang ginawa
ReplyDelete