Juliana Parizcova, May Banat Diumano Kay Diwata

 


Juliana Parizcova, May Patama Kay Diwata: ‘Dating Nagsusungit, Ngayon Kusang Lumalapit!

Photo: Diwata/FB


Naging usap-usapan ang tila pasaring ni Juliana Parizcova kay Diwata matapos mag-post ang “Miss Q&A” season 1 grand winner sa kanyang Facebook account ng litrato ni Diwata kasama ang ilang customers sa kanyang paresan. Sa nasabing litrato, makikitang si Diwata mismo ang may hawak ng cellphone habang kasama ang mga nakangiting customers.


Ang caption ni Juliana sa kanyang post ay tila may laman, “Dating nagsusungit, ngaun kusang lumalapit,” na agad namang umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Maraming nakapansin na tila patama ito kay Diwata, lalo na’t kilala siya dati sa kanyang pagiging mailap at hindi laging nagpapapicture kasama ang mga fans noong kasagsagan ng pagdagsa ng mga tao sa kanyang negosyo.


Ayon sa mga netizens, mukhang tinutukoy ni Juliana ang pagbabago sa ugali ni Diwata, lalo na't noon ay may mga pagkakataong hindi siya napagbigyan ang mga nais magpa-selfie sa kanya. Ngayon, tila mas approachable na at mas game si Diwata na makipag-engage sa kanyang mga customers.


Ang tanong ng lahat: Talaga bang may pagbabago na kay Diwata, o isa lang itong pasimpleng banat ni Juliana sa dati nitong pag-uugali? Abangan kung ano pa ang susunod na kaganapan sa pagitan ng dalawang personalidad!

No comments:

Post a Comment