Joriegel Yulo, Ipinasyal ang Inang si Angelica Yulo sa Singapore! Isang Pangarap ang Natupad!

 


Labis ang pasasalamat ni Angelica Yulo sa kanyang panganay na anak na si Joriegel Yulo matapos siyang isama nito para makapasyal sa Singapore. Sa isang espesyal na pagkakataon, nais ni Joriegel na iparanas sa kanyang ina ang makapaglakbay sa ibang bansa, at ito'y naging isang di malilimutang karanasan para kay Angelica.

Photo: Joriegel/FB


Si Joriegel Yulo ay isang dedikadong gymnastic coach, at nagkataon na kasali ang kanyang estudyante sa isang kompetisyon na gaganapin sa Singapore. Dahil dito, naisip niyang pagsamahin ang trabaho at pagkakataon para isama ang kanyang ina sa biyahe, upang mabigyan ito ng isang espesyal na alaala sa ibang bansa.


Ibinahagi ni Angelica Yulo ang kanyang saya at pagmamalaki para sa kanyang anak, "Labis akong natutuwa sa anak ko kasi sarili niyang pera ang kanyang ginamit upang makapunta kami sa Singapore," wika ni Angelica. Tunay na isang mapagmahal na anak si Joriegel na pinapahalagahan ang kaligayahan ng kanyang ina.


Napakaganda ng ginawang ito ni Joriegel para sa kanyang ina, na naging posible sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap at dedikasyon bilang isang coach. Talagang nakakainspire ang kanilang kwento ng pagmamahalan at pagsuporta bilang pamilya!

No comments:

Post a Comment

Popular Posts