Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila pagkawala ni Jed Madela sa spotlight, partikular sa mga programa ng ABS-CBN. Ayon sa mga online marites, kapansin-pansing bihira na siyang makita sa mga guestings ng Kapamilya network.
Photo: Jed/FB
Mas umingay pa ang usapin nang mapansin ng ilang viewers na bigla na lang siyang napalitan ni Darren Espanto bilang hurado sa segment ng It's Showtime. May mga haka-haka na tila binoboycott na umano si Jed matapos itong mapanood sa panayam ni Toni Gonzaga, isang personalidad na binansagan ng marami bilang "enabler" ng mga isyung politikal.
Ayon sa ilang sources, hindi raw nagustuhan ng ABS-CBN, at maging ng ilang mga kasamahan niya sa trabaho, ang pagpapa-interview ni Jed kay Toni. Alam umano ng singer ang mga boycott movements laban sa mga proyekto at endorsements ni Toni, ngunit nagpaunlak pa rin siya.
Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, inamin ni Jed na may mga bagay siyang pinagsisisihan sa mga desisyon niya nitong mga nakaraang linggo. Marami ang nagulat nang lumabas siya sa interview ni Toni, at tila ito ang naging dahilan ng mga negatibong reaksiyon mula sa ilang fans at netizens.
No comments:
Post a Comment