Nag-react si Jackie Gonzaga, mas kilala bilang "Ate Girl" ng "It's Showtime," sa kumakalat na tsismis online na buntis siya at ang co-host na si Ion Perez ang ama.
Photo: Jackie.
Sa isang TikTok livestream, malinaw ang kanyang gulat at pagkabigla nang tanungin siya ng mga netizens tungkol sa isyung ito. Hindi mapigilang matawa ni Jackie nang marinig ang balita at agad niya itong ikinuwento sa kanyang mga kaibigan.
Sa gitna ng kanyang pagpapatawa, diretsahan niyang itinanggi ang tsismis, sabay sabing, "Si Kuya Ion? Ano’ng truth?! Kung ano-ano pinagi-isyu n’yo." Idinagdag pa niya ang kanyang pagbibiro, "Adik ba kayo? Tigilan n'yo bisyo n'yo, ah. At saka ‘yung mga trolls din naman, ano-ano pinag... for the views kasi." Tinawanan niya ang mga haka-haka at iginiit na ang ganitong klaseng isyu ay ginagawa lamang para sa pansamantalang kita at kasikatan.
Pinasaringan din ni Jackie ang mga taong naniniwala sa pekeng balita at tinawag silang "kadiri" dahil sa pagkalat ng mga maling impormasyon. Nilinaw rin ng host na ang relasyon nila ni Ion ay isang masayang pagkakaibigan lamang, habang si Ion naman ay nasa seryosong relasyon kay Vice Ganda. Habang patuloy silang nagbibigay ng kasiyahan sa "It's Showtime," wala pang pahayag na inilalabas si Ion Perez tungkol sa usapin.
@viceionperez25 "Kung ano-anong pinag-iiissue niyo, kami raw ni ion. Adik ba kayo? Tigilan niyo 'yung bisyo niyo ha." -Jackie nak naman HAHAHAHAHAHAHAH tawang tawa ako! Ayan kasi, maiissue. What more pa kung si vice 'to? Baka namura na kayo guys 😠#fyp #Trending #ViceGanda #Ionperez #JackieGonzaga ♬ original sound - Viceion25 - Jane Perez
No comments:
Post a Comment