Ivana Alawi, May Matapang na Payo sa mga Botante: ‘Dapat Mag-Aral Muna Bago Pumasok sa Politika!
Photo: Ivana/FB
Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Ivana Alawi tungkol sa pagtakbo ng mga sikat na personalidad sa politika. Sa isang viral TikTok video, inihayag ng aktres at vlogger mula sa Kapamilya network ang kanyang desisyon na hindi tatakbo sa darating na 2025 midterm elections, na umani na ng mahigit dalawang milyong views.
Hinimok ni Ivana ang kanyang mga tagasuporta na intindihin at suportahan ang kanyang desisyon na hindi pasukin ang mundo ng politika. “Sana suportahan niyo ako sa desisyon kong hindi tumakbo," ani Ivana, na malinaw na nagpapakita ng kanyang pagkilala sa mga limitasyon niya pagdating sa larangang ito.
Ipinaliwanag pa niya, “Wala ako alam sa politics, wala ako alam sa paggawa ng batas. And siguro kung papasok man ako sa ganiyan, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years, because I don't want to put our country at risk.” Sa kanyang mga salita, ipinakita ni Ivana ang kahalagahan ng tamang paghahanda at pag-aaral bago tahakin ang isang responsibilidad na makaaapekto sa bansa.
Ang kanyang matapang na pahayag ay tila isang paalala sa lahat na ang politika ay hindi simpleng larangan at kinakailangang seryosohin. Marami ang humanga sa pagiging tapat ni Ivana at sa kanyang paninindigan na hindi siya basta-basta papasok sa bagay na hindi niya ganap na naiintindihan.
No comments:
Post a Comment