Guro sa Thailand, Inialay ang Buhay para Protektahan ang Estudyante sa Nasunog na Bus

 


Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang guro mula sa Thailand matapos siyang matagpuang yakap ang isang estudyante sa loob ng nasunog na school bus. Ang guro ay kinilalang si Kanokwan Sripong, isang bagong graduate noong September 26, at isa sa 23 katao na nasawi sa trahedya. 

Photo: User/FB


Ayon sa mga ulat, natagpuan ang katawan ni Kanokwan na mahigpit na yakap ang isa sa kanyang mga estudyante, na tila nagsusumikap protektahan ang bata mula sa panganib. Maraming naniniwala na sa huling sandali ng kanyang buhay, sinubukan pa ni Kanokwan na iligtas o magbigay ng ginhawa sa bata habang hinaharap ang matinding sunog.


Ang kabayanihang ipinakita ni Kanokwan ay umani ng paghanga mula sa publiko. Maraming netizens at social media pages ang nagbahagi ng kanyang larawan bilang pagpupugay sa kanyang sakripisyo, na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami.

No comments:

Post a Comment