Ex-PBB Housemate Jan Silva, Aminadong Hindi Nakasama sa Reunion Dahil sa Kakulangan ng Pera: "Mahirap Talaga Maging Mahirap"

 


Usap-usapan ngayon sa social media ang dating PBB Gen 11 housemate na si **Jan Silva** matapos mapansin ng mga netizens na hindi siya kasama sa reunion ng iba pang ex-housemates tulad nina **Joli Alferez, Dylan Yturralde, Jas Dudley-Scales, Jarren Garcia, Marc Nanniga, Kanata Tapia**, at **Binsoy Namoca**. Ang tanong ng marami: bakit nga ba hindi nakasama si Jan?

Photo: Jan/FB

Sa isang TikTok live, isang follower ni Jan ang nagtanong kung bakit hindi siya dumalo sa naturang gathering. Prangka ang sagot ni Jan—wala raw siyang pera para makisabay sa mga kaibigan niya at nahihiya rin umano siyang magpalibre. Agad namang umani ng simpatiya ang ex-housemate mula sa netizens, na nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa hirap ng buhay at pakikisama sa mga mas may kayang kaibigan.



Nag-trending ang usapin, at maraming fans ang nagpahayag ng suporta para kay Jan. Ayon sa ilang netizens, nakakarelate sila sa sitwasyon ni Jan, lalo na’t hindi biro ang kakulangan ng pera. "Mahirap talaga sumama sa mga RK," sabi ng isa. May ilan din na umaasang magkakaroon ng projects si Jan upang mas makatulong sa kanyang sitwasyon.



Sa kabila ng lahat, hindi iniwan si Jan ng kanyang mga kaibigan. Isang netizen ang nagbahagi na pumasok daw si **Marc Nanniga** sa kanyang live at niyaya siya na sumama sa susunod na pagkikita. Ayon kay Marc, siya na raw ang bahala kay Jan, na naging isang maliit na sinag ng pag-asa para sa kanya at sa mga tagahanga.


No comments:

Post a Comment