Doc Willie Ong May Ginawa Para Unti-unting Makarecover sa Cancer




Doc Willie Ong, Nabigyan ng Milagro – PET Scan Resulta ng Sarcoma, Kinagulat ng Kanyang Doktor

Photo: Doc Ong/FB


Isang magandang balita ang ibinahagi ni Doc Willie Ong sa kanyang Facebook page kaugnay ng kanyang kalagayan matapos sumailalim sa gamutan laban sa sarcoma. Masaya niyang ipinahayag na ngayong Martes, October 8, 2024, lumiliit na ang kanyang bukol nang hanggang 60% batay sa resulta ng kanyang PET scan.



Ayon kay Dr. Ang Peng Tiam, isang kilalang oncologist mula sa Singapore, tila isang milagro ang nangyari kay Doc Willie. Sinabi ni Dr. Ang na ngayon lang siya nakakita ng isang sarcoma na kasing bilis lumiit tulad ng kay Doc Willie. “I can only say that GOD LOVES YOU. I have not seen a Sarcoma respond as quickly as yours,” pahayag ni Dr. Ang sa kanya. 


Matatandaang dumaan si Doc Willie sa matinding pagsubok matapos siyang ma-diagnose ng sarcoma, isang uri ng cancer na mahirap gamutin. Ang kanyang bukol ay umabot sa 16cm at hindi operable dahil sa dami ng mga blood vessels na tatamaan. Dumaan siya sa chemotherapy na nagdulot ng matinding side effects, kabilang na ang hirap sa pagsasalita, pagkain, at pagkalagas ng buhok. Sa kabila nito, nagpahayag si Doc Willie ng pasasalamat sa kanyang pamilya, mga doktor, at lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling.


Sa kasalukuyan, naghain na rin si Doc Willie ng kanyang kandidatura sa pagka-senador para sa 2025 mid-term elections, na may platapormang laban sa corruption at pagpapabuti ng health care system ng bansa.


No comments:

Post a Comment