Diwata, Napaiyak Nang Makita ang Sarili sa Billboard Para sa Vendors Partylist!

 





Hindi napigilan ng negosyante at online influencer na si Diwata, o Deo Balbuena, ang mapaiyak nang makita ang kanyang larawan sa isang billboard kasama ang iba pang nominado ng Vendors Partylist para sa nalalapit na halalan sa 2025. 

Photo: Diwata/FB


Sa isang video na in-upload niya sa kanyang social media account, makikita ang emosyonal na reaksyon ni Diwata habang nakatitig sa kanyang sariling larawan sa billboard.



“Hindi ko sukat akalain na malalagay tayo dito sa billboard, nata-touch talaga ako grabe,” saad ni Diwata, na tila hindi makapaniwala sa biyayang dumating sa kanyang buhay. Ang kanyang pagkahabag ay nagpakita ng kanyang pasasalamat at pagkagulat sa pagkakataong maging bahagi ng isang malaking hakbang patungo sa politika.


Matatandaang nitong unang linggo ng Oktubre nang mag-file si Diwata ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang opisyal na senyales ng kanyang pagpasok sa mundo ng politika. Tumatakbo si Diwata bilang 4th nominee ng Vendors Partylist, na layuning kumatawan sa mga pangangailangan ng mga vendors at small business owners sa bansa.


Si Diwata ay unang nakilala sa social media dahil sa kanyang mga viral na video kung saan ipinapakita niya ang kanyang negosyo, ang Diwata Pares Overload. Bagama’t dumaan siya sa ilang pagsubok, kasama na ang balitang pananaksak sa kanya ng mga kaibigang nalulong sa ipinagbabawal na gamot, patuloy siyang umaangat at lumalaban para sa kanyang adhikain.


No comments:

Post a Comment